Posted by: earthsangel | August 20, 2008

BAKIT “SINGLE” ANG STATUS KO AT STATUS MO

10. Perfectionist/ Mapili
Yes, isang taong perpeksiyonista (kagaya ng friendship ko) Yung tipong
dapat ganito ang magiging kapartner ko. Pag may nakilala, nakita lang na
pangit ang kuko o may dumi lang, o nag ka taon na may allergy pero di naman nakakahawa , turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. ayaw sa bobo, ayaw ng sobrang talino, ayaw sa mabait boring daw, gusto bad boy/ pilya pero kapag pinaiyak ka tatanungin ka bakit ang sama mo bakit mo nagawa yun! Adik ka ba?! Ayaw sa cute, ayaw din naman sa panget. meron diyan gusto ka ayaw mo naman… hay kakaloka
yung gusto mo halos magtambling ka at i alok muna sarili mo pero deadma parin yang stunts mO sa
kanya! Pasaway ka rin e! Ano ba talaga kuya/ate?

9. Busy Busyhan
Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro (gaya ng boylet ni friendship) at
school kung estudyante ka o kaya naman sa computer at files kung office
staff ka. Yung tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at uuwi
ng bahay ng 6 hanggang alas 8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag
tratrabaho sa call center]. Sabay tulog na. Kapag sabado masaya na sila
sa tv, sa pagkain na niluluto ni mama at sa linggo naman sisimba at
maghahanda na ng kelangan para sa lunes hanggang byernes. Pssssst
Kambyo ka muna and pause for a while.

8. Friendship Theory
Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay bestfriend
o kaya kay special friend na hindi masasabi sabi sa friendship niya sa
loob ng kanilang mahabang panahon na pagsasama dahil baka daw maapektuhan
ang pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasama si
friendship na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre wag
pahalata, kunyari happy siya for friendship. ABA ! Oi lakasan mo ang loob
at baka mamaya forever mong pagsisihan yan kaw rin.

7. Born-to-be-one (Autistic)
Eto yung nasa palad na ang pagiging single
daw(my gosh katwiran to ni friendship) Walang reasons Basta lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at
feeling nya mamatay sya sa mundo ng mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari
na lang. Asa kang tatanggapin ka pa noh!

6. Happy-go-lucky
Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at
trippings. Kahit sino nalang basta no string attach. For fun lang daw…
Walang halong seryosohan. ABA hoy! yang init ng katawan mo e ikiskis mo
nalang sa pader. Makakahanap ka rin ng katapat mo!!!

5. Wrong Place
May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang
mundo ka. Yung ang nakakaharap mo e yung mga hindi mo gusto, yung mga
hindi mo hinahanap. Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang
hinahanap mo e yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman e nasa
sarili mong bayan ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at
hindi mo kayang sabihin na abnormal din ang hanap mo kung ayaw mong
ibitin ka nila ng patiwarik.

 4. Wrong Time (ako tohhhh)
Eto yung mga tao na sinasabi na, hindi pa ako ready e bata
pa kasi ako o kaya naman hindi pa ako handa sa panahong ito, madami pa akong gustong marating sa buhay, gusto kupang yumaman, wala pa ako
kayang ipagmalaki. Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang
panahon para sa love. Awwwwwww. Abakelan yun? Pag uugod ugod ka na at
yung time mo e bitin na? O baka naman pag pang out of time ka na? Oist,
sugod lang ng sugod (i wish i kaya ko hehehe)

3. Si parents kasi!  (si dianne to hehehe)
Yes, factor din ang komyunidad na ginagalawan mo.
Una, ayaw pa ni mader o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at
kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf . O kaya naman
ikaw mismo! Takot sa sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa
magiging kasama mo Aba ikaw na nga ba ang sabihan na.. Alam mo hindi
kayo bagay. langit at lupa kayo o kaya tao siya diyosa ka. Awwwww. Payo ko sayo, Pakialam nila
diba? Palibhasa inggit!

 

2. Traumatic Experience
Eto kalimitan ang reason ng marami. Ayaw ko na!!!
takot na ako mangyari pa ang nangyari dati! O diba ang drama ng layp? (paksyet si friendship ulit to). Eto yung dahil sa past relationship mo, e until now ayaw mo
ng magkaroon at sinumpa mo na ata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa
mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil
binugbog ka!, ano pa ba? Madami yan, wag na nating isa isahin at baka
tumulo si tears heheh Gayunpaman, eto lang masasabi ko mga hija at hijo.
Ibat iba ang lasa ng pag-ibig. May mapait, may mapakla, may matamis at
may maasim. Aba mapalad ka at natikman mo ang ibat ibang lasa nito. Kaya
ikaw, Do not be afraid to fall in love again, sabi nga ni father nung sunday na nagsimba ako do not be afraid, malay mo sweetness na ang malasahan mo next time. E di panalo ka sa lotto. Yan ang nagpapalakas
sayo, Yang ang bumubuhay sayo, ang pag-ibig. tsk! drama!

 1. EX to the nth power
Oi aminin!!! LOVE parin si Ex kahit 1 ? 2 yrs na
ang nakakalipas,  Yung tipong ilang taon ang
nakakalipas, hindi parin makalimutan si ex. Yung pinagsamahan, yung
tawanan, yung iyakan, at lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa.
Malungkot man at sa kung anumang kadahilanan, maganda man o masama ito,
kelangan nyong magpaalam sa isa’t isa. YES, after a year sasabihin
natin, im over him/her na, pero pag-usapan natin ang love at ang nangyari
sa ating relastionship from the past, TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, siya agad
ang naalala mo. At habang nagkukwento ka, ouch may kirot, o kaya may
ngiti at may bumabagabag sa ating kalooban. Ano kaya yun? AMININ mo na
kasi. MAHAL mo pa si EX. Isa lang ang masasabi ko, well mahirap siya
kalimutan alam ko yan pero open your heart and makipagdate ka (sarap yatang kumain sa labas at manood ng sine ng libre nyahaha evil), lumabas
ka, at try to entertain someone. Wag mo ikumpara si ex sa iba.


Responses

  1. […] public links >> tsk tsk tsk Saved by jancaballero on Sun 04-1-2009 BAKIT "SINGLE" ANG STATUS KO AT STATUS MO Saved by MeXRochi on Tue 23-12-2008 Morning coats Saved by sdprice on Sat 13-12-2008 Going […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: