Posted by: earthsangel | August 13, 2008

mga eksena sa jeep

Case # 1 *”Aray, ano ba?”*

Madalas na dialogue ng mga babaeng feeling commercial model ng shampoo
kung ipatangay sa hangin ang buhok. Mga walang pakialam kahit na ang mga
katabi nila ay hirap na hirap na sa pag-iwas sa paghampas nito sa mukha
nila. Kaya ako kapag di na ako makapagpigil, hinihila ko na yung buhok,
sabay sorry kunwari akala ko buhok ko yun. At kapag sinusumpong ako,
kinakalabit ko na at sinasabihan kong hindi ako kumakain ng buhok.

Case # 2 *”Blah, blah, blah…’*

Mga taong feeling sila lang ang sakay na kung mag-usap ay dinig ng lahat
ng pasahero. Nakakaaliw sila minsan lalo na’t mahaba ang byahe at walang
radyo yun g jeep. Pampalipas oras din sila, minsan nga gusto ko ng
sumabat dun sa kwentuhan nila lalo na kapag nakaka-relate ako. Pero
kapag inaantok ako at di na makapagpigil tinitignan ko sila na parang
gusto kong dukutin ang lalamunan nila.

Case # 3: *”Pakiabot lang po…”*

Kapag napaupo ka ng medyo malapit-lapit sa driver, asahan mong magiging
taga-abot ka ng bayad. Ok lang sana yun eh, hwag ka lang makaka-tyempo
ng driver na may pagka-manyakis na nanadyang manghaplos ng kamay. O kaya
naman ng driver na parang di pa ata nakakaalam na uso na ang deodorant.
O kaya naman ng driver na mas malakas pang bumuga sa tambutso nya ang
bunganga.
Syempre wala naman akong magawa kundi ang magtakip na lang ng ilong at
umurong agad kapag medyo lumuwang. At meron namang mga pasaherong
sobrang bait na hindi ka pa nakakapagsalita ay kinukuha na sa kamay mo
ang bayad mo.
Meron din syempreng matatapang na kapag hindi mo nakuha agad yung b ayad
nila ay medyo itataas ang boses at may kasama pang ismid. Hay naku, pede
ba wala akong kumisyon sa pag-abot ng bayad nyo ha.

Case # 4: *”Makikiusog nga…”*

Para sa mga kung umupo ay kala mo pang-dalawang tao ang binayaran. May
mga babaeng kung umupo ay nakalihis, walang pakialam na yung katabi nya
kalahating pwet na lang ang nakaupo. Meron din mga lalaking kung makaupo
ay halos mangingimi kang tumingin sa kanya dahil sa laki ng pagkakabukaka.
Animo’y may kung anong pinoprotektahan sa pagitan ng kanyang mga hita.
Kapag ipit na ipit na ako, sinasabayan ko ang pag-preno ng mama sa pag-usog.

Pasensyahan na lang kung mapalakas.

Case # 5: *”Ooozzz…”*

Wala namang masama kung matulog ka habang nasa byahe, pero sana iang
walang dantayan at basagan ng bao o di kaya ay matuluan ng panis nyang
laway. Kapag may katabi akong natutulog na, hinahayaan ko lang (syempre
alangan namang pigilan ko) at kapag babagsak na ung ulo nya sa ‘kin,
bigla kong ibinababa balikat ko para magulantang sya. Pero kapag cute
ibang usapan na yan.
Itinataas ko pa balikat ko para makahilig at ng makatulog sya ng maayos
at ok lang na magka-untugan kami, malay mo magpakilala pa sya, asa pa.

Case # 6: *”Mama, para ho…”*

May mga driver na di mo mapipigilang mapamura sa sobrang tagal bago
huminto na halos kailanganin mo ng sumakay pabalik sa layo ng
pinagbabaan sa ‘yo. Meron namang hihinto kahit na sa gitna ng kalsada
mabawasan lang agad ang sakay nya. At meron ding halos mahalikan mo na
yung katabi o kung minalas-malas ka ay mahuhulog ka pa dahil sa biglang
pagpreno nya. May mga pasahero namang hindi pa nakuntento sa
pagkalakas-lakas na pagsabi ng para at kumakatok pa sa bubong. Merong
namang magbabayad kapag pababa na at may gana pang magalit kapag hindi
agad naihinto ang sasakyan. At syempre merong mga nagmamadaling akala mo
ay mauubusan ng lupa kung bu maba, kasehodang mabunggo at matapakan nyang
lahat ng daraanan nya. Pero pamatay pa ring yung minsang may nakasakay
akong mama na pagkalakas-lakas at paulit-ulit na sumisigaw ng “Bayad ho,
bayad ho, bayad ho…” Syempre yung driver, kuntodo extend ng kamay nya.
Nakatingin na lahat dun sa mama na kumakatok-katok pa sa bubong ng jeep.
Sabay naalala nyang ” Para ” pala ang dapat nyang isinisigaw.
Nyahaha…tawa ko ng tawa pagkababa nung mama!

At meron pa minsan na siguro kakapamili lang at kagagaling lang sa
tawaran porsyon sa tiangge, imbes na “Mama, bayad oh!” ang nasabi ba
naman ay ” Mama, Pagbilan ho!” ay naku di ko alam kung tatawa ba ako ng
malakas o hindi at baka ma offend ko cia! har har har

At may isa pah! Dahil sa sobrang pakikipagkwentuhan sa katabi, simula na
ata ng sumakay siya eh dakdak na ng dakdak imbes na ” Para ” ang sabihin
eh “BABAY!!” siguro ang nasa isip ng mahadera eh magbabay sa kasama niya
pero sa driv er niya nasabi! har har har! Kasi naman super daldakina!!!

Case # 7: *”Love birds…”*

Syempre pa, hindi mawawala ang mga mag-syotang kala mo may sariling
mundo na kung maglampungan ay parang mga pusang di mapakali. Libreng
sine ‘to, rated 18, kaya lang nakakabitin din lalo na kapag nauna kang
bumaba sa kanila. Meron tuloy mga lalaking ‘nag-iinit’ at biglang
bibitaw ang kamay sa pagkakahawak sa bakal para kunwari mapapasubsob sa
katabi nila o kaya naman bigla mong mararamdaman na yung siko nila nasa
tagiliran mo na. Sarap sampalin ng mga ganung lalaki. Di naman sa
nakikialam ako, pero wala namang inggitan…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: