Posted by: earthsangel | May 29, 2008

nung ikaw ay bata… nagawa mo ba to?

1. kumakain ka ba ng aratilis? makopa? kaymito? kamias?

habang naka akyat ako sa puno ng aratilis ini imagine ko na cherry yung mga yon 🙂

2. nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis
tingting? kung minsan okra ang ginagamit, na ubod din naman ng lagkit.

naalala ko galit na galit pa nga yung kapit bahay namin pag kumukuha ako ng bulaklak ng gumamela sa kanila.

3. pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

oo kase di daw ako lalaki pag di ako natulog tsaka pag natulog daw ako pag gising ko may miryenda na.

4. marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

hmmm patintero,saksak puso, at langit lupa lang nalaru ko.

5. malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes? pero mas gusto mo pa rin ang jolens at jackstone.

hmmm mahirap lang kami wala kaming atari pero madami akong jolens at may jackstone pa.

6. may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita
ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

meron akong boy london na relo tsaka shoes na esprit na di ko alam i pronounce nung bata ako.

7. addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z,
daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

addict ako sa daimos inaaway kupa mga kalaro ko kase gusto ko ako si erica

8. nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?

nanood ako ng shaider dahil kay alexis

9. marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

di ako marunong ng word star pero nakahawak na ako ng 5.25 floopy disk na pinaka iingat ingatan ko nung highschool ako naka balot pa siya ng papel kase di daw siya pwedi ma gasgas

10. inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna…
nung high school ka inaabangan mo lagi Beverly Hills 90210? or ang star brighters ni boy c. de guia?

hmmm si pong pagong yata inaabangan ko

11. gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

di ka in pag di mataas ang bangs mo ninanakaw kupa spraynet ng nanay ko pag gabi.

12. meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

wala akong blouse na may padding yung nanay ko lahat ng damit nya may padding

13. nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang
malaman mo kung sino ang crush ng type mo? at syempre kahit naka skirt ka eh meron ka pa rin shorts sa ilalim.

tumpak!!!

14. kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?

best of friends kame 🙂

15. alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?

time space warp ngayon na…

16. idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers? o di kaya ang A-Team?

17. *eto malupet… six digits! lang ba ang phone number nyo dati? itim ang kulay ng telepono nyo?
at meron ka pang party-line, hanep!
*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala? parang kanta ni dingdong avanzado di ba?

18. cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na “eh kasi bata”?

ngayon pogi na si aiza LOL…

19. inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig
ng nanay mo sa ref?

20. meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

Astig!!!

21. noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

22. alam mo lyrics ng “tinapang bangus” at “alagang-alaga namin si puti”?

23. alam mo ang kantang “gloria labandera”.. lumusong sya sa tubig ang paa ay nabasa at ang “1, 2, 3,
asawa ni marie”… hehehehehe?

24. sosyal ka pag may play-doh ka at Lego… at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa
ang mukha ni barbie noon?

25. inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

26. lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong. ..
diba naninipit yun?

27. alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng
panty… and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?

hahaha di kuna masyadung matandaan to!
28. meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?

29. laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?

wahahha true!

30. bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum… tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?

bumibili ako ng bazooka para tingnan yung naka sulat dun sa wrapper.

31.kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa… at sanay
ka tawagin ang porni as BOLD?

32. takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?

TRUE LOL!

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA

NG 25 YEARS OLD…

KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA

23-25 KA…


Responses

  1. hi there, i enjoyed reading your blog, ha ha ha, at least nalilibang ako dito sa work ko.
    keep it up.

    ciao

  2. Thanks for reading my blog.

  3. ahehe alam ko lahat ng yan lampas na.. ako rin nalibang..ayus! 🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: